(Note to Readers: This romance novel was not meant to be serialized. The daily installments are, therefore, not written like segments of a serialized novel. This work is also copyrighted and is meant to be read on this blog alone for your enjoyment. Please do not download and pass it around. Thank you so much. - Maia Jose, Cafe Romanza http://maiajoseromance.blogspot.com/)
NAKANGITI si Gio. Masayang nakikipagkuwentuhan sa kaharap na business associate. Kabisado niya kung paanong makisama sa ganitong mga okasyon kahit na ang totoo’y bagot na bagot na ang binata.
NAKANGITI si Gio. Masayang nakikipagkuwentuhan sa kaharap na business associate. Kabisado niya kung paanong makisama sa ganitong mga okasyon kahit na ang totoo’y bagot na bagot na ang binata.
Bilang president and chief executive officer ng sarili niyang mga kompanya – ang Moran Group of Companies – bahagi na ng buhay ni Gio Moran ang ganitong mga business-related socials. At kahit na ito ang pinakaayaw niya sa kanyang mga responsibilidad, kailangan pa rin niyang balikatin. Hindi puwedeng magpadala na lamang ng representative lalo na sa ganito ka-personal na affair.
Ngayo’y nasa isang private yacht siya, sa selebrasyon ng twenty-fifth wedding anniversary ng isang business partner — si Onofre Madrigal — na business partner din ng yumao niyang ama. Three-day affair ang selebrasyon sa bakasyunan ng pamilya Madrigal sa Samar.
Kahapon, sa unang araw ng selebrasyon, ginanap ang renewal ng wedding vows ng mag-asawa sa antigong chapel sa bayang karugtong ng baryong kinaroroonan ng beach house. Nakakaruwahe silang lahat mula sa beach house hanggang sa chapel at pabalik. Sa malawak na beach front ng bahay ginanap ang reception.
Pangalawang araw na ngayon, na ang highlight naman ay itong buong araw na paglalayag sa karagatan sakay ng brand new yacht na kabibili lang ng mga Madrigal.
Pami-pamilya ng mga kamag-anak, kaibigan at business associates ng mag-asawa ang sakay ng malaking yate. May magaling na live band na tumutugtog. Masarap at sagana ang pagkain. Naka-uniporme ang staff na nag-aasikaso sa lahat.
Paikut-ikot si Gio, bawat madaanang business associate ay kinakausap. Nakikipagkilala sa mga hindi pa niya nakikilalang businessmen. Kailangan niya ang ganoong network sa negosyo.
Pero habang nakikipagkuwentuhan siya, naghahanap ng tiyempo ang binata. Ganoon talaga siya. Laging naghahanap ng pagkakataong makatakas nang kahit saglit sa kanyang busy schedule para mapag-isa at manahimik. Para makapagnakaw ng kaunting personal time at personal space. Kailangan din niya iyon para makapag-recharge.
Sanay na rin si Gio sa ganoon niyang estilo. Sa ganoong paraan niya nakakayanan ang kanyang lifestyle na mula paggising sa umaga hanggang pagtulog sa gabi ay siksik sa mga kailangang asikasuhing responsibilidad.
Nasisiyahan na siya sa mga sanda-sandali niyang pag-idlip saan man siya naroroon. O kahit sa mga nakaw na sandaling nakakahanap siya ng isolated spot kung saan siya mananahimik lamang habang nakatanaw sa kung anumang view ang kanyang kaharap. Kunsabagay, kahit walang view — kahit humarap lang siya nang saglit sa pader — basta’t makapag-isa ay sapat na sa kanya.
Kaya rin heaven-sent kay Gio ang three-day celebration na ito ng mga Madrigal. Sa bahay bakasyunan ng mag-asawa, marami siyang nahahanap na isolated areas na napagnanakawan niya ng kahit maiikling private time-outs. At dahil nasa tabing-dagat ang bahay, napakaganda ng tanawin saan man siya magawi.
Sulit na rin ang pangangailangang makihalubilo sa kanyang mga business associates at makipag-usap ng tungkol sa kung anu-ano lang. Small talk lang naman iyon na madalas ay disimuladong payabangan ng mga big businessmen. Sanay na siyang sumakay sa ganoon.
Maya’t-maya ay tumatanaw siya sa karagatan. Iniikot din niya ang kanyang tingin sa kabuuan ng yate. Naghahanap na siya ng kung saan siya puwedeng “makapagtago” nang sandali.
All Chapters:
Chapter 1.1
Chapter 1.2
Chapter 1.3
Chapter 1.4
Chapter 1.5
Chapter 2.1
Chapter 2.2
Chapter 2.3
Chapter 2.4
Chapter 2.5
Chapter 3.1
Chapter 3.2
Chapter 3.3
Chapter 3.4
Chapter 4.1
Chapter 4.2
Chapter 4.3
Chapter 4.4
Chapter 5
Chapter 6.1
Chapter 6.2
Chapter 6.3
Chapter 6.4
Chapter 6.5
Chapter 7.1
Chapter 7.2
Chapter 7.3
Chapter 7.4
Chapter 8.1
Chapter 8.2
Chapter 8.3
Chapter 9.1/9.2
Chapter 9.3
Chapter 9.4
Chapter 10.1
Chapter 10.2
Chapter 10.3
Chapter 10.4

Technorati tags: Philippines, Filipino romance novel, work at home, romance and relationships, writing, work, blog, blogs, blogging, weblog
Chapter 1.1
Chapter 1.2
Chapter 1.3
Chapter 1.4
Chapter 1.5
Chapter 2.1
Chapter 2.2
Chapter 2.3
Chapter 2.4
Chapter 2.5
Chapter 3.1
Chapter 3.2
Chapter 3.3
Chapter 3.4
Chapter 4.1
Chapter 4.2
Chapter 4.3
Chapter 4.4
Chapter 5
Chapter 6.1
Chapter 6.2
Chapter 6.3
Chapter 6.4
Chapter 6.5
Chapter 7.1
Chapter 7.2
Chapter 7.3
Chapter 7.4
Chapter 8.1
Chapter 8.2
Chapter 8.3
Chapter 9.1/9.2
Chapter 9.3
Chapter 9.4
Chapter 10.1
Chapter 10.2
Chapter 10.3
Chapter 10.4

Technorati tags: Philippines, Filipino romance novel, work at home, romance and relationships, writing, work, blog, blogs, blogging, weblog


2 comments:
thank you thank you! pero painful naman ito... i usually read your books from cover to cover coz i cannot put them down once i get started... now i have to wait? on the other hand, it will be like christmas morning everyday. there is something to look forward to for the next day...
It also felt quite strange for me to cut the manuscript into such short segments :-) Happy reading!
Post a Comment